KLAY, GS SILAW SA SUNS

UNANG beses na-eject si Golden State Warriors guard Klay Thompson sa buong NBA career niya (759 regular-season and playoff games) matapos siyang matawagan ng two consecutive technical fouls sa 105-134 loss sa Phoenix Suns, Miyerkoles ng gabi.

Nangyari ang insidente nang ang five-time All-Star ay nagsimulang makipagsagutan kay Phoenix’s Devin Booker sa third quarter hanggang sa nalalabing mahigit anim na minuto ay nag-bump chests na sila, na nagresulta sa double technicals nila.

Nang lumayo ang Splash Brother ni Steph Curry ay sinundan siya ni Mikal Bridges kaya’t itinulak siya ni Thompson para sa second technical at ejection.

Habang ineeskortan ng security ang palabas na si Thompson ay binuweltahan naman niya ang Suns’ bench at kinawayan habang itinuturo ang hamay na tumutukoy sa four championship rings ng GSW.

“They have four rings, repeated over and over, and they do, and they did,” paliwanag ni Booker sa naganap na ilang minutong trash talk nila ni Thompson.

Kabuuang pitong technical fouls ang naganap sa third quarter in less than six minutes — Golden State’s Draymond Green at coach Steve Kerr, at maging sina Phoenix players Chris Paul at Deandre

Ayton dahil sa hindi nagustuhang tawag ng game officials.

“I’m not one to get into what guys are talking about on the floor. There was chirping on both ends,” giit ni Green.

Hindi nakipag-usap sa media si Thompson ngunit ayon kay GSW head coach Steve Kerr: “He and Book have gotten into it a little bit over the years, they’re just competitors, both great ­players — I remember four or five years ago when Book was first coming up, Klay was in his prime, he went at it one night in Oracle and same type of thing happened. There were no ejections, but they’re both competitive, they’re ­guarding each other, and this is the NBA. Highest competition in the world, stuff like that happens.”

Aminado rin si Kerr, frustrated si Thompson sa kanyang minutes restriction, matapos bumalik sa two-year hiatus last season.

MAVS DINAGIT
NG PELICANS

NAITAKBO ng short-handed New Orleans Pelicans ang 113-111 win laban sa Dallas Mavericks.

Umiskor si Trey Murphy III ng 22 points sa panalo ng Pelicans, kung saan nagawa nilang matakasan ang mahusay na performance ni Luka Doncic.

Absent sa laro ng Pelicans ang top three scorers nitong sina Brandon Ingram (concussion protocol) at Zion Williamson (hip bruise), gayundin si Herb Jones (hyperextended knee), top defensive player ng team.

Sa kabila ng pagkawala ng tatlong nabanggit, nagtulong-tulong ang mga naiwang Pelicans, at walong players ang umukit ng double figures.

Kabilang dito si rookie at first-round pick Dyson Daniels, 11 points sa 22 ­minutes buhat sa 4-of-5 shooting.

Pasok lahat ng eight shots ni Murphy, kasama ang four 3s. Mayroon din siyang ilang basket sa kanyang pag-drive, may dunk sa third quarter at tip-in sa huling six minutes.

Nagtala naman si Naji Marshall ng 15 points bilang starter. Habang sina CJ McCollum at Devonte Graham may tig-14 points, isama rito ang pag-assist ni McCollum sa 11 baskets. Mayroon namang tig-13 puntos sina Jonas Valanciunas at Jose Alvarado at 11 markers kay Larry Nance Jr.

Kumulekta si Doncic ng 37 points, 11 rebounds at seven assists, pero sumablay ang kanyang 3-point attempt sa final horn nang tumalbog ito sa front rim.

Si Spencer Dinwiddie ay may 23 points para sa Dallas, gayundin si former Pelican Christian Wood (23 points).

Umangat ang Dallas ng six points sa fourth quarter mula sa 3 ni Wood, 97-91. Sumagot naman ang New Orleans ng 7-0 run na tinapos ng step-back jumper ni McCollum mula sa 16 feet upang agawin ang kalamangan at buhat doon, hindi lumayo ang dalawang team.

Inilista ni Alvarado ang unang siyam niyang puntos sa first 5:43 ng laro, tungo sa 40-point first quarter ng Pelicans, kung saan umabante sila hanggang 14 puntos.

Si Alvarado rin ang nanguna sa second quarter, mula sa transition layup para sa ika-13 puntos niya sa unang 11 minutes sa court at naglagay sa Pelicans sa 47-31 lead.

Umabot ang abante ng Pelicans sa 16 points sa second at 64-54 kasunod ng 7-foot floater ni Valanciunas, tatlong minute pa sa half.

Dito humabol ang Dallas, 10-0 run para tumabla mula sa driving floater ni Doncic.

Habang ang dunk ni Nance ang nagbalik sa Pelicans sa unahan, 66-64 sa halftime.

CLIPPERS KINALDAG
NG OKC

MAY panalo na rin ang Oklahoma City Thunder, matapos maisahan ang Los Angeles Clippers, 108-94, sa Paycom Center, Oklahoma.

Absent ang superstars ng Los Angeles na sina Paul George at Kawhi Leonard, si Luke Kennard ang namuno sa Clippers, may 15 points, four rebounds at two assists. Nagdagdag si Ivica Zubac ng 10 points at 14 rebounds.

Nagpahirap sa Clippers ang dati nitong player na si Shai Gilgeous-­Alexander (SGA) ay nagtala ng team-high 33 points, may five rebounds at eight assists para sa Oklahoma.

Hindi nakalaro sa home opener noong Linggo, nagbalik si Gilgeous-Alexander sa starting lineup, kasama sina Tre Mann, Lu Dort, Aaron Wiggins at Jeremiah Robinson-Earl.

Agad naglista ang Thunder ng 8-0 lead mula kina Mann at Gilgeous-Alexander.

Pinilit ni Clippers center Zubac manatili sa aksyon ang Los Angeles, habang hirap ang team’s guards makakuha ng basket.

Sa kabila ng impresibong laro ni Zubac, nakuha ng OKC ang first quarter lead, 23-18.

Sa second quarter, nagpatuloy sina Mann at Gilgeous-Alexander sa pagpapahirap sa Los Angeles, kung saan tinapos nila ang first half sa 13-of-26 shooting sa field.

Dinomina ng dalawa ang final minute ng quarter at ibigay sa Thunder ang 49-43 lead sa halftime, kung saan may 16 puntos na si Mann, habang 14 naman mula kay SGA.

Nagpasabog ang Thunder ng 35 points sa third quarter, 19-0 run at umabante ng 24 puntos sa bandang gitna ng quarter.

Nagtangkang humabol ng Los Angeles sa third canto, ngunit tatlong offensive rebounds sinundan ng 3-pointer sa buzzer mula kay Gilgeous-Alexander ang pumigil sa paghahabol ng Clippers.

Sa tuwing magtatangkang humabol ng Los Angeles, lagging may sagot ang Oklahoma.

Tinapos ni Mann ang larong may 25 points.

PISTONS ‘DI GUMANA
SA WIZARDS

NAGBIDA si Kyle Kuzma, umiskor ng 25 puntos sa 120-99 win ng Wizards laban sa Pistons sa Capital One Arena, Washington.

Hirap na hirap ang Detroit (1-3) paikutin ang bola, nagtala lamang ng 12 assists, pero may 13 turnovers at shot 40% overall.

Umatake ang Washington sa loob, sa shooting na 65.4% (inside the arc).

Si Bojan Bogdanovic naman ang nanguna sa Pistons, 25 points mula sa 8-for-13 overall shooting at 4-for-7 shooting sa 3s, habang si Cade Cunningham ay nagdagdag ng 19 points.

Nagsumite si Isaiah Stewart ng 13 points at 10 rebounds at si Jaden Ivey, 11 points at four assists. (VT ROMANO)

217

Related posts

Leave a Comment