KOMPENSASYON SA MGA BIKTIMA NG MALING PAGKAKAKULONG, PINADARAGDAGAN

PINATATAASAN ni Senador Erwin Tulfo ang ibibigay na kompensasyon para sa mga biktima ng maling pagkakakulong at pagkaka-detain sa bansa.

Ito ay sa ilalim ng panukalang inihain ni Tulfo kung saan nais niyang itaas sa P10,000 kada buwan mula sa P1,000 ang ibibigay ng Board of Claims ng Department of Justice (DOJ) sa mga biktima ng maling pagkakakulong.

Itataas din ang maximum compensation sa P50,000 o katumbas ng nagastos sa pagpapagamot at pagkawala ng kita ng biktima, alinman ang mas mataas.

Ayon kay Tulfo, walang anumang halaga ang makakabawi sa nawalang panahon ng mga biktima, pero nais niyang gawing mas makatao at mas patas ang sistema ng hustisya.

Pinasasakop na rin sa panukala ang mga biktima na napatunayang inosente, habang papalawigin sa isang taon ang paghahain ng claims mula sa kasalukuyang anim na buwan at maaaring i-file ng kanilang mga kinatawan.

Kapag naisabatas, makikinabang dito ang mga katulad ni Prudencio Calubid Jr., 81 taong gulang, na kamakailan ay pinalaya matapos mapatunayang mali ang pagkakakulong bilang umano’y lider ng NPA.

(Dang Samson-Garcia)

35

Related posts

Leave a Comment