KONGRESISTA, DPWH OFFICIAL, KINASUHAN NG KORAPSYON SA OMB

(NELSON S. BADILLA)

SINAMPAHAN ng kasong korapsyon ng Task Force Against Corruption (TFAC) ang isang kongresista at opisyal ng Department of Public of Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman (OMB).

Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay – Villar, mayroong sapat na “porma” at “sustansiya” ang reklamo sa kongresista at opisyal ng DPWH, kaya inihain ang mga reklamo laban sa kanila sa OMB.

Hindi ibinigay ni Villar sa mga mamamahayag ang pagkakakilanlan ng kongresista at opisyal dahil iimbestigahan pa ng OMB ang reklamo laban sa nasabing mambabatas.

Ang mambabatas at opisyal ng DPWH ay dalawa pa lamang sa mga sinampahan sa OMB mula sa napakaraming opisyal ng pamahalaan na iniimbestigahan ng TFAC.

Ang TFAC ay pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ), partikular ni Secretary Menardo Guevarra, kung saan itinayo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang imbestigahan at kasuhan ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian, korapsyon at pandarambong.

Ang ginawa ng TAFC laban sa kongresista at opisyal ng DPWH ay bahagi ng mandato ng TAFC.

151

Related posts

Leave a Comment