KOREA WINALIS NG GILAS

PINATUNAYAN ng Gilas Pilipinas na hindi tsamba ang ­unang panalo nila kontra Korea nang walisin ang huli sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers final window sa Angeles University Foundation Gym kahapon ng hapon.

Ginamit mismo ng Gilas ang game ng kalaban – scoring from long distance – laban sa Korea upang itala ang 82-77 victory at perpektong 6-0 record sa qualifiers.

Nanguna para sa national team si Dwight Ramos na 5-of-9 from deep at tumapos na may 19 points kasama ang five assists, three rebounds at two steals.

Na-split niya ang free-throws sa nalalabing 15.8 seconds at pagkaraan ay nakuha ang ­rebound mula sa mintis niya at tuluyang sinelyuhan ang panalo sa pagbalik sa charity line.

Gaya naman sa una nilang paghaharap, kung saan nanalo (81-78) ang Gilas sa ‘lucky shot’ ni SJ Belangel ayon sa coach ng Korea, muling ­naging sakit ng ulo ng kalaban ang ‘small but terrible’ guard.

Sa pagkakataong ito ay nakabingwit si Belangel ng ­unsportsmanlike foul mula kay Lee Dae Sung upang mabawi ng Gilas ang lead, 79-77, sa last 25.5 ­seconds. (ANN ENCARNACION)

135

Related posts

Leave a Comment