Korupsyon ‘di konstitusyon dahilan ng kahirapan ROMUALDEZ SINOPLA SA PAGSUSULONG NG CHA-CHA

KAHIT amyendahan ang 1987 Constitution kung hindi masawata ang katiwalian sa gobyerno ay hindi mareresolba ang kahirapan sa bansa.

Ginawa ni dating Congressman Neri Colmenares ang pahayag matapos ilutang ni House Speaker Martin Romualdez na bubuhayin ang Charter change (Cha-cha) sa susunod na taon sa pamamagitan ng People’s Initiatives (PI).

“Ang ating kahirapan ay hindi nagmula sa Konstitusyon, kaya ang pag-amyenda dito ay hindi solusyon. Kung hindi maresolba ang korapsyon, kawalan ng lupa at suporta sa magsasaka, at kontraktwalisasyon, hindi tayo uunlad kahit sampung beses pa sila mag-Cha-cha taun taon,” ayon sa chairman ng Bayan Muna.

Ayon kay Romualdez, tatanungin ang mga tao sa pamamagitan ng referendum kung anong sistema ng pagboto ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nais nilang sundin ng mga mambabatas sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sa ilalim ng Saligang Batas, maaaring amyendahan ito sa pamamagitan ng constituent assembly (ConAss), Constitutional Convention (ConCon) at PI.

Gayunpaman, nais ng karamihan sa mambabatas na idaan ito sa pamamagitan ng ConAss kung saan magko-convene ang Kamara at Senado subalit nagtatalo ang mga ito kung hiwalay o hindi ang pagboto ng mga senador.

Tinututulan ng mga senador ang voting as one dahil tiyak na talo ang mga ito dahil 24 lamang sila kumpara sa mahigit 300 congressmen kaya nais ng mga ito na magkaroon ng hiwalay na botohan. Dito ipinanukala ni Romualdez na hayaan ang taumbayan na magdesisyon.

“It will only worsen our economic conditions as it opens up the country to further foreign economic domination. Further opening up our economy to big mining firms and corporations that will control our public utilities, media, schools and even buy our lands will be a disaster for Filipinos and the next generation,” ayon pa kay Colmenares.

(BERNARD TAGUINOD)

281

Related posts

Leave a Comment