ISA ang sugatan makaraang mahulog ang isang sasakyan mula sa ikalawang palapag ng Philippine Ports Authority building sa Maynila.
Ayon sa report, ipina-park ng biktima ang sasakyan nang magkamali ito ng tantya.
Bunsod nito, nahulog ang sasakyan sa ibabaw ng isa pang sasakyan na nakaparada sa gilid ng gusali.
Kinilala ang biktimang nasugatan na si Claudio Tagaan, 61, na agad dinala sa ospital.
Masuwerte namang walang sakay ang nabagsakan na isa pang sasakyan.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, base sa kuwento ng driver na si Tagaan, nagulat siya nang dumiretso ang sasakyan sa bahagi ng pader na gawa sa salamin.
Kuwento ng ilang nakakita, posibleng aksidenteng na-accelerate ng biktima ang sasakyan.
Nasa stable na kondisyon na ang driver ngunit idinadaing ang pagsakit ng kanyang ulo.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng pagkahulog ng sasakyan habang nagpapagaling ang driver.
Napag-alaman din na ang nahulog na sasakyan ay isang government vehicle. (CATHERINE CUETO)
183
