KUBRADOR NG STL TINADTAD NG BALA

QUEZON – Patay ang isang lolo na Small Town Lottery (STL) agent matapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Candelaria Police ang biktimang si Emerson Escueta Tagana, 68, residente sa Brgy. Malabanban Norte.

Batay sa report, nasa loob ng isang vulcanizing shop sa Candelaria-San Juan, Batangas road ang biktima nang biglang pumasok ang suspek bandang alas-7:30 ng gabi at pinagbabaril si Tagana na agad nitong ikinamatay. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang posibleng motibo sa pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)

189

Related posts

Leave a Comment