PATAY ang isang high-value drug suspect makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ni PNP-Regional Police Office 5 director, P/Brig. General Jonnel C. Estomo sa Daet, Camarines Norte noong Linggo ng umaga.
Ayon kay P/BGen. Estomo, nagkasa ng joint anti-narcotics operation ang kanyang mga tauhan laban sa suspek na si alyas “Dodoy”.
Si alyas “Dodoy” ay sinasabing notoryus na tulak ng ilegal na droga sa Bicol at idinekalrang armed and dangerous ng mga pulis.
Ngunit bago makumpleto ang transaksyon sa isang pulis na umaktong poseur buyer, sa Barangay Gahonon, nakatunog ang suspek kaya bumunot ng baril at nagpaputok kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon na nagresulta sa pagkamatay ni alyas “Dodoy”.
Nakuha sa lugar ng enkwentro ang baril, mga bala at ang P30,000 halaga ng hinihinalang shabu na binili ng poseur buyer. (JESSE KABEL)
236 