KUMUKUNOT ANG NOO KO SA CHINA

HINDI ko maiwasang kumunot ang noo kapag nakakabasa ako ng report mula sa China na sa tuwing magkakaroon ng bagong kaso ng ­COVID-19 sa kanilang bansa ay sinasabi nilang “imported”.

Niloloko ng China ang kanilang mamamayan sa ganitong mga report at gusto pa nilang isama ang mga tao sa buong mundo na akala mo eh kaya nilang impluwensyahan ang lahat ng tao sa daigdig.

Alam nating lahat na kontrolado ng China ang kanilang media. Walang demokrasya sa kanilang bansa at lahat ng mga dissent ay mayroong kalalagyan kaya medyo pasalamat tayo dito sa Pilipinas na kahit papaano ay may press freedom tayo.

Kahit anong gawin ng China ay hindi nila mabubura ang katotohanan na ang COVID-19 ay nagsimula sa kanila partikular na sa Wuhan City noong Nobyembre 2019 kaya nga tinawag na COVID-19.

Inalerto na ng isang Chinese doctor na may malasakit sa publiko na ikinairita ng kanilang ­gobyerno at kalaunan ay namatay ang doctor na yun dahil nahawa raw ng virus, bagay na ayaw paniwalaan ng marami.

Hindi sinasabi ng China kung ilan talaga ang tinamaan ng virus sa Wuhan at mga karatig na probinsya at siyudad.

Gayundin kung ilan ang namatay at hindi na lalabas ang totoong report nila dahil kontrolado ng kanilang gobyerno ang kanilang media.

Napakaimposibleng hindi kumalat sa labas ng Wuhan ang COVID-19 dahil naikalat nga nila sa iba’t ibang panig ng mundo ang virus na ito eh sa bansa pa nila na bilyon ang tao.

May mga report sa mga western countries na hindi nagpakatotoo ang China tulad ng kanilang hindi pagkatotoo sa ­paglaganap ng COVID-19 sa kanilang bansa noong Nobyembre 2019.

Ngayon parang ­tumigil na sila sa pagbibilang at baka sa bandang huli nyan eh sasabihin nila na sila ang may pinaka­konting biktima ng virus sa buong mundo para palabasin na superpower sila.

Pero ang nakakabanas sa lahat, kapag gusto nilang magreport ng COVID-19 infection sa kanilang bansa ay tanging yung mga kababayan nila na umuwi mula sa ibang bansa na nagpositibo sa virus ang kanilang inire-report.

Sasabihin nila sa report na “another imported COVID-19 case reported”.

Nakakakunot ito ng noo dahil papaanong naging imported yan eh galing yan sa bansa nyo?

Hindi ba nila alam na may kasabihan na anumang basura na itinapon mo ay babalik sa iyo? Basura ng China ang COVID-19 na milyon na ang pinatay at milyon-­milyon ang pinahirapan.

Mind conditioning ang ganitong report na para bang sinisisi nila ngayon ang ibang bansa kung bakit nagkaroon ng panibagong COVID-19 case sa kanilang bansa eh sila ang nagkalat nyan sa buong mundo.

Hindi lang ang mga Chinese nationals ang kinokondisyon ng kanilang gobyerno ang kanilang pag-iisip kundi ang isip ng lahat ng mga tao sa mundo pero mabibigo sila dahil hindi ubra ang ginagawa nilang ito sa kanila bansa.

Mas marami pa rin ang bansa sa mundo ang demokratiko at hindi ­kayang kontrolin ng kanilang gobyerno ang kanilang media kaya dapat magpakatotoo ang bansang ito.

151

Related posts

Leave a Comment