KWF CHAIRMAN ‘DI NIRERESPETO NG 3 COMMISSIONERS?

PUNA Ni JOEL AMONGO

HINDI lang ordinaryong pambu-bully, kundi kawalang respeto ang ginagawa ng ilan sa mga commissioner sa kanilang chairman sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Tinutukoy po sa Affidavit-Complaint ni KWF Chairman Casanova ay ang mga respondent na sina Benjamin Mendillo, Jr., Carmelita Abdurahman at Hope Yu.

Ang KWF ay may 11 commissioners, 2 full time commissioners at 8 part-time commissioners at 3 part-time commissioners ang bakante.

Sina Mendillo at Adburahman ay pawang full time ­commissioners ng KWF at part-time naman si Yu.

Si Casanova ay in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang full time commissioner ng KWF na nagrerepresent sa Tagalog ­Language ng KWF.

Naging acting chairman ng KWF si Casanova noong ­Enero 30, 2020 at kalaunan noong Disyembre 3, 2020 ay in-appoint siya ni Pangulong Duterte bilang chairman.

Si Mendillo ay maling naitalagang board of commissioners bilang OIC-Director General ng KWF at pinuno ng Secretariat.

Nagpahayag naman si Civil Service Commission (CSC) Director Roderick Romualdo, Director ng II, CSC FO-OP, na sa ilalim ng rules, ang isang commissioner ay hindi maaaring in-appoint bilang Director General. Tsk! Tsk! Tsk! Ano ‘yan, hokus pokus?

Idineklara ni Dir. Romualdo na si Mendillo ay hindi maaaring magkasabay na commissioner na at director general pa ng KWF.

Hindi lang ‘yan noong Mayo 13, 2022 may mga email na ipinadala sa 8 commissioners na copy furnished si Casanova ng kanyang Executive Assistant IV na si Marlyn Galvan.

Ang emails ay naka-sentro sa extra-intimate liaison ng ­respondent sa babaeng emple­yado na may asawa umanong judge. Hala, lagot!

Sa sumunod na araw ay nakausap ni Casanova si Commissioner Abdurahman na kinumpirma na nakatanggap din siya ng ganung emails.

Ipinakita pa nito, ang emails sa kanyang cellphone na nakatanggap siya na petsang May 22 via “CCs” ng ipinadalang emails.

Ang nilalaman ng emails ay ang umano’y hinihinalang intimate liaison sa pagitan ni Mendillo at isang babae na empleyado at ang kanilang pinag-usapan ay “hot topic”.

Dahil sa galit sa expose na ‘yun, ay nagkimkim ng galit si Mendillo kay Galvan.

Kaya noong Mayo 23, 2022 ay gumawa ng paraan si Mendillo para masibak si Galvan.

Noong Mayo 23, 2022, si Galvan ay nakatanggap ng isang letter co-signed ng respondent at full time KWF commissioner na si Abdurahman para sa summary termination ni Galvan bilang Executive Assistant IV.

“Alinsunod sa nakalakip na Desisyon ng Kalupunan ng mga Komisyoner noong 20 Mayo 2022, ipinababatid na ang inyong kontrata bilang Executive Assistant sa Opisina ng Tagapangulo ay kagyat na pinuputol epektibo 23 Mayo 2022.”

“Mangyaring agarang isauli/turnover ang lahat ng gamit, files at iba pang pananagutan sa kinauukulan sa madaling panahon na hindi lalagpas ng Biyernes, 27 Mayo 2022 para sa ­pagpoproseso ng klirans at huling sahod.”

Noong Mayo 25, 2022 si Galvan ay nakatanggap ng sulat bilang Memorandum Blg. 2022-0625 (attached as Annex “F”) na pinirmahang mag-isa ni Mendillo na BANNED na si Ms. GALVAN sa KWF.

“Alinsunod sa Desisyon ng Kalupunan hinggil sa Pagpapabitiw kay MYRNA L. GALVAN na Executive Assistant ng Taga­­pangulo, ay inaatas na HINDI DAPAT PAPASUKIN SA PREMISES NG KWF kung wala itong balidong transaksyon opisyal na kailangang iharap sa Komisyoner ng Pama-mahala at Pananalapi bago siya mapahintulutang makapasok.”

“Iniatas din sa HR na itagu­bilin ito sa sentry guard ng opisina para sa istriktong implementasyon. Gayundin, inaatasan ang Admin Chief na ihatid ang memo na ito sa PSG upang KANSELAHIN ang ACCESS PASS na ibinibigay na pribilehiyo sa mga kawani ng OP.”

Tama po bang si Galvan ang pagbawalang makapasok sa premises ng OP o si Mendillo?

Sino ba sa kanilang dalawa ang gumawa ng kababalaghan? Masyadong pinersonal nila si Galvan.

Hindi rin nila inirerespeto ang opisina ni Chairman Casanova kung saan direktang nagre-report si Galvan.

Noong Mayo 30, 2022 sina Mendillo, Abdurahman at Yu ang may kagagawan din sa pagsibak sa 9 individuals sa pamamagitan ng pre-terminating ng kanilang contracts of service at 7 iba pa na nakatalaga sa Office of the Chairman at 2 nakatalaga sa Education and Networking Unit ng commission.

Ay naku kung may ganyan mga opisyal ng ating gobyerno, paanong uunlad ang Pilipinas?

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell#0916-441-71-63.

464

Related posts

Leave a Comment