LA SALLE BOTANICAL GARDENS BINUKSAN SA PAMPANGA

NASA larawan sina: (mula kaliwa pakanan) Arch. Vic Dulloog, Josemari Calleja, Anthony Fernandez, Atty. Isabel Tolosa-Datu, Br. Felipe Belleza Jr. FSC – Presidente, LSBG Inc., Rozanno Rufino, Rainerio Borja, Br. Iñigo Riola FSC – Chairman, LSBG Inc., Kirtida Mekani, Carlo Leonio – Nuevocentro Director & Leonio Land Construction President, Jennylle Tupaz – Ayala Land VP, Br. Raymundo Suplido FSC – President, DLSU Science Foundation Inc., Clarissa Teresita Leonio Asuncion – NCI Chairman, Christopher Maglanoc – Ayala Land Estates President & Nuevocentro Director, at Jorge Buenaventura. (Larawan ni ELOISA SILVERIO)

PINANGUNAHAN ng De La Salle Philippines ang groundbreaking ng La Salle Botanical Gardens sa Alviera, Porac, Pampanga noong Martes, Setyembre 30.

Layunin ng proyekto na maging eco-tourism at education hub na magpapakita ng iba’t ibang halaman at punong katutubo sa Pampanga, habang isinusulong ang konserbasyon at sustainability.

Ayon kay Jennylle Tupaz, Ayala Land VP at Senior Estate Development Head para sa Central Luzon at VisMin, hindi lamang ito isang showcase ng biodiversity, kundi isang “living classroom” at sanctuary para sa mga pamilya.

“Ang La Salle Botanical Gardens ang magiging pinakamalaki at pinakakomprehensibo sa bansa, patunay sa papel ng De La Salle University sa pagbuo ng sustainable ecosystem,” ani Tupaz.

Itinuturing ito ng Lasallian community bilang tugon sa pagbabawas ng biodiversity na banta sa kabuhayan, kalusugan at kapaligiran. Bukod sa pananaliksik at edukasyon, magiging lugar din ito para sa kultura, pamamahinga at kabuhayan ng mga komunidad.

16

Related posts

Leave a Comment