LABAN PA PINOY SA BAGONG VARIANT NG COVID-19

NAKAKAPANGAMBA na ang kalagayan nating mga Filipino ngayon, ito ay dahil sa sobrang pagsirit ng bilang ng mga tinatamaan nang nakamamatay na mga bagong variant ng COVID-19.

Ayon sa mga eksperto, dahil sa mga bagong ­variants ng naturang karam­daman at kasabay na rin dito ay ang pagsasawalang bahala ng publiko at hindi pagsunod o pagbabalewala sa health protocols na pinaiiral ng pamahalaan para sa paglaban sa nasabing ­pandemya kaya nagka gayun na sobrang taas ng bilang ng mga nahahawaan ng naturang karamdaman.

Ang mas nakakapangamba ay ang pahirapang makakuha ng bakuna ang ating pamahalaan dahil sa ngayon ay nag-aagawan na ang ibat ibang bansa para lamang sila ang maunang makakuha o makabili ng bakuna kontra COVID-19.

Kung pagbabasehan natin mga ka-Saksi yung ­naging pahayag ni ­Pangulong ­ Duterte, na pinatibayan ni Secretary Carlito Galvez na siyang ating Vaccine czar nuong lunes ng gabi, sinabi nila na nahihirapan ang ­ating pamahalaan na makabili ng bakuna dahil sa mas nauunang makakuha ang mga mayayamang bansa ng bakuna laban sa COVID-19 kaysa katulad nating mahirap na bansa.

Kaya nga pinahintulutan na rin ng Pangulong Digong ang mga pribadong sektor na bumili ng bakuna.

Nakapangangamba lang dahil kung hindi pa rin makikipagtulungan ang publiko sa paglaban sa nakamamatay na karamdaman, malamang sa hindi ay lahat ng Pinoy ay mahawa ng COVID-19.

At kapag nangyari po yon papaano na po ang ­ating bansa at ang ating mga mahal sa buhay??

Gayunpaman salamat na lang at hindi naman sumusuko ang ating gobyerno para makakuha o makabili ng bakuna.

Kaya nga para sa ating mga kababayan sumunod po tayo sa health protocol dahil sa ganoong paraan natulungan na rin natin ang ating pamahalaan at mga frontliners lalong lalo na ang ating mga sari-sarili.

Kasi kapag nasa iyo na ang nasabing karamdaman ay mahirap ng maghabol at saka ka lang magsisisi dahil sa pagbalewala mo sa ­paalaala ng mga eksperto.

Wala pong mawawala sa inyo bagkus ay ikaw pa nga ang makikinabang kung susundin mo ang ipinapatupad na health protocol, dahil sa bukod na di ka na mahawa ng naturang karamdaman ay ligtas ka pa sa ­karagdagang gastusin kapag tinamaan ka ng COVID-19.

Huwag na po ninyong pansinin yung mga ipinapakalat ng ilang mga utak talangka at ng mga pulitikong walang ibang ginawa kundi silipan ng mali ang kasalukuyang adminis­trasyon upang itoy kanilang pulaan.

Sundin na lang po natin ang laging panawagan ng ating pamahalaan na, sundin ang ipinaiiral na health protocol para makaiwas o huwag mahawaan ng naturang sakit sa ganoong paraan nakatulong ka na sa paglaban natin sa nakakamatay na karamdaman.

Samantala, napag­alaman ng inyong lingkod mula sa Supreme Court (SC) na nababalisa itong si SC Associate Justice Mario Victor Leonen dahil na rin sa pag endorso ni Ilocos Sur 2nd district Representative Angelo M. Barba kaugnay ng isinampang impeachment complaint sa kongreso laban sa kaniya dahil nga sa reklamong trust and confidence.

Ito’y dahil sa kabiguan ni Justice Leonen na aksyunan ang halos isang daang kaso na nakasampa sa kanyang tanggapan at ang paglabag naman sa itinatadhana ng pagsusumite ng statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) ng pumasok ito sa gobyerno.

427

Related posts

Leave a Comment