LACSON AT GORDON, MALAMIG SA PANUKALANG DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE

ATUBILI sina Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon sa panukalang pagbuo ng hiwalay na departamento na tututok sa pamamahala sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan.

Sinabi ni Lacson na madaling magpasa ng batas na lilikha ng bagong departamento partikular ang Department of Disaster Resilience pero ang kwestyon ay kung feasible o praktikal ba at makakaya ba itong pondohan.

Bilang chairman ng Senate Committee on National Defense & Security, si Lacson ang nagsasagawa ng pagdinig sa panukala subalit binigyang-diin ang kanyang strong reservation dahil nangangahulugan ito ng dagdag na sweldo, capital outlay, behikulo at Maintenance & Other Operating Expenses.

Sa katunayan, sinabi ni Lacson na sa unang pagdinig na ginawa ng kanyang komite, mismomg mga stakeholder ang naghayag ng pag-aalinlangan sa paglikha ng departamento para sa disaster risk reduction.

Ito ay dahil sa una, mayroon nang policy direction ukol sa right sizing ng burukrasya dahil sa sobra na itong bloated.

Pangalawa, hindi naman ang lilikhaing departamento ang magpapatupad ng recovery at rehabilitation kung hindi ang existing agencies pa rin tulad ng DPWH, DSWD AT DOH…at pangatlo makikita na ang mga bagong nilikhang departamento tulad ng Dept of Information & Communication Technoloy o DICT at Dept of Human Settlement and Urban Development ay hindi naman nabibigyan ng kaukulang pondo para magampaman nang maayos ang kanilang mandato.

Iginiit naman ni Gordon na sa halip na bumuo ng hiwalay na departamento, mas makabubuting pagkagastusan ang mga pangangailangang equipment sa mga ahensya ng gobyerno na tutugon sa mga kalamidad habang pinalalakas din ang kapabilidad ng mga lokal na pamahalaan. (DANG SAMSON GARCIA)

204

Related posts

Leave a Comment