LACSON, MARCOLETA NAGKAINITAN

NAGING mainit ang palitan ng pahayag nina Senador Panfilo Lacson at Rodante Marcoleta sa plenaryo ng Senado matapos ang privilege speech ng huli kamakalawa.

Hindi kaagad nakapagbigay ng tugon si Lacson sa naturang talumpati dahil nag-adjourn na ang sesyon ng Senado, ngunit nitong Martes ay sinagot na niya ang mga isyu kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa kanyang privilege speech, binatikos ni Lacson si Marcoleta at sinabing tila umano ito ay may “ego-driven provocations” at nagiging “obsessed” sa pagtatanggol sa China.

Ayon kay Lacson, nagiging isang “political circus” ang ilang usapin na inilalabas ni Marcoleta sa plenaryo.

“Gusto rin lamang ni Senator Marcoleta na lagi siyang bida—bilang dating chairman ng Blue Ribbon Committee, o sa usaping West Philippine Sea, o anomang isyu na may kinalaman sa China, o dili kaya ay sa usaping restitution ng mag-asawang Discaya,” pahayag ni Lacson.

Kaagad namang sumagot si Marcoleta at hinikayat si Lacson na dumalo sa susunod na pagdinig upang malinawan ang mga posisyon sa usapin ng West Philippine Sea.

“Mr. President, pagkatapos ay isasama ang Kalayaan Island Group. Ano po ba talaga ang pinag-uusapan natin dito—ang kapakanan ng bayan? Pinipilit po ninyong pinagtatanggol ko ang Tsina,” tugon ni Marcoleta.

(DANNY BACOLOD)

77

Related posts

Leave a Comment