LACSON-SOTTO, SINIMULAN NA ANG CONSULTATIVE TOUR

SA gitna ng mga impormasyong sasabak sa Presidential at Vice Presidential Race sa 2022, sinimulan na nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson nitong Huwebes ang kanilang ‘consultative tour’ sa Malolos, Bulacan.

Bago ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lider sa Luzon, nagsimula ang araw ng dalawang senador sa panalangin sa Barasoain Church.

“Started our journey for Luzon consultative tour with a prayer. Besides I go to church everyday anyway,” saad ni Sotto sa mensahe sa Senate Reporters.

Batay naman sa pahayag ng tanggapan ni Sotto, bahagi rin ng “Tour of Luzon” ng dalawa na matukoy ang kondisyon ng bawat lokal na pamahalaan sa pagresponde sa COVID-19 at upang makakalap ng mga ideya para makarekober ang bansa.

Ikinukonsidera ng dalawa ang pagsabak sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections subalit wala pang pinal na desisyon sa kasalukuyan.
“We’re looking at the solutions, and if they are doable,” diin ni Sotto.

Si Sotto ang kasalukuyang chairman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) habang si Lacson ay nananatiling independent. (DANG SAMSON-GARCIA)

227

Related posts

Leave a Comment