Isa ka ba sa sleepy heads ng pamilya? Mukhang kailangan mo nang baguhin ang sleeping habits mo dahil ayon sa isang pag-aaral, ang pagtulog nang mahigit sa anim hanggang walong oras ay nakasasama sa iyong katawan.
Ayon sa isang research na ipinakita sa European Society of Cardiology Congress 2018, ang pagtulog ng anim hanggang walong oras ang ideal na oras na maganda para sa katawan, gayunpaman, kapag nagkulang o sumobra naman ito, tiyak na makaaapekto na ito sa iyong kalusugan.
Sa unang tatlong pag-aaral na iprinisenta sa event, binigyang-diin ng mga researcher mula sa Onassis Cardiac Surgery Centre, Greece, ang kanilang meta-analysis upang pag-aralan ang relasyon ng tagal ng tulog at panganib ng pagkakaroon ng cardiovascular disease (CVD), ang 11 na pag-aaral ay mayroong kabuuang 1,000 respondents, 541 dito ay walang CVD.
Natuklasan nila na kumpara sa mga taong natutulog ng 6-8 hours kada gabi, ang short sleepers na mababa sa anim na oras ang tulog ay mayroong 11% na tiyansang magkaroon o mamatay mula sa coronary artery disease o stroke sa susunod na 9.3 years.
Para naman sa mga mahahaba ang tulog, natutulog mahigit sa walong oras kada gabi, ang bilang na ito ay tumaas ng nasa 33%.
“Our findings suggest that too much or too little sleep may be bad for the heart,” ayon sa author ng pag-aaral na si Dr. Epameinondas Fountas.
“More research is needed to clarify exactly why, but we do know that sleep influences biological processes like glucose metabolism, blood pressure and inflammation, all of which have an impact on cardiovascular disease.”
“Having the odd short night or lie-in is unlikely to be detrimental to health, but evidence is accumulating that prolonged nightly sleep deprivation or excessive sleeping should be avoided… Getting the right amount of sleep is an important part of a healthy lifestyle,” ayon pa kay Fountas.
Sinuportahan din ng isang research mula sa Spanish National Centre for Cardiovascular Research sa Madrid, kung saan ito ay iprinisenta sa Kongreso, ang konklusyon na mayroon talagang masamang epekto ang mahabang tulog sa kalusugan ng tao.
