LALAKI BINAUNAN NG BALA SA ULO

SANGKOT SA DROGA?

PALAISIPAN sa awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa isang lalaki na binaril sa ulo nang hindi nakilalang salarin sa Quiapo, Manila kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang inilarawan na edad 35- 40; naka suot ng kulay na itim na may pink na sando at checkered na short pants.

Base sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 1:15 ng umaga, nang makarinig ng sunod- sunod na putok ng baril sa ilalim ng Quezon Bridge malapit sa Quinta, Market.

Ilang Barangay tanod sa Barangay 306 ang unang rumesponde sa lugar subalit hindi nila naabutan ang salarin.

Kaagad na ipinaalam sa tanggapan ni P/ Lt.Col. Reynaldo Magdaluyo, Station Commander ng MPD- Station 3, bago inireport sa Scene of the Crime Operatives (Soco).

Inaalam kung may kinalaman sa droga ang pagpaslang sa biktima na inaalam pa ang pagkakakilanlan. RENE CRISOSTOMO

 

163

Related posts

Leave a Comment