LALAKI NASABUGAN NG IMPROVISED FLASHLIGHT

CAVITE – Sugatan ang isang lalaki nang sumabog ang isang improvised flashlight sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Sabado ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Ron” ng Sahud Ulan, Tanza, Cavite dahil sa sugat sa katawan.

Ayon sa ulat, lumabas sa kanilang bahay ang biktima nang mapansin ang isang umiilaw na tila flashlight sa isang plastic bag bandang alas-9:00 ng umaga.

Dahil sa kuryusidad, nilapitan nito ang plastic bag at bumungad sa kanya ang tila flashlight kaya tinangka nitong kalikutin subalit bigla itong sumabog na nagresulta sa kanyang pagkakasugat.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang sumabog na isang baterya, fragments at isang sirang flashlight.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(SIGFRED ADSUARA)

163

Related posts

Leave a Comment