Lao, Yang lusot sa Kamara SYNDICATED ESTAFA VS PHARMALLY EXECS

PINAKAKASUHAN ng House committee on good government and public accountability ng syndicated estafa ang mga opisyales ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na nakakuha ng malaking kontrata sa Procurement Service-Department of Budget and management (PS-DBM).

Gayunman, walang inirekomendang kaso laban sa dating hepe ng PS-DBM na si Atty. Lloyd Christopher Lao at maging ang negosyante si Michael Yang.

Tanging sina Jorge Mendoza II at Mervin Ian Tanguintic ng PS-DBM Inspection Division ang inirekomendang kasuhan ng falsification of public document dahil sa pag-amin umano ng mga ito na pinirmahan nila ang Ipro-forma ICAR kahit nasa China pa ang inorder na medical supplies.

Sa Pharmally, ang mahaharap at hindi maaaring makapag-bail ay sina Mr. Huang Tzu Yen, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Lincoln Ong, Justine Garado at Krizle Grace Mago.

Ayon sa chairman ng komite na si Rep. Michael Aglipay, pasok sa syndicated estafa na walang piyansa ang mga nabanggit na opisyales ng Pharmally dahil nagawa nilang makakuha ng kontrata kahit walang kakayahan na mag-supply sa gobyerno ng medical supplies.

“This acts of Pharmally officials are grossly aggravated by the fact that this were committed during height of pandemic by taking advantage the more lenient procurement regulations under Bayanihan Act as One,” ani Aglipay sa virtual conference.

“Sagot ko dyan kay Michael Yan at Christopher Lao, insufficiency of evidence. The evidence is not enough for cases to whom,” ani Aglipay.

Sina Lao at Yang ay laging nadidiin sa pagdinig ng Senado hinggil sa anomalya sa PS-DBM.

Ang Pharmally ay may P650,000 capital lamang subalit nakapagbulsa ang mga ito ng mahigit P8 billion kontrata sa PS-DBM na siyang naatasang bumili ng mga medical supply tulad ng face mask, face shield at iba pa noong nakaraang taon.

Gayunpaman, sa imbestigasyon ng Senado, maliit ang P8 billion na halaga ng kontratang nakuha ng Pharmally sa PS-DBM dahil base sa mga huling impormasyon, naglalaro ito ng P10 billion pataas.

Kasabay nito, inirekomenda ng komite ang pagbuwag sa PS-DBM dahil meron nang procurement sevice at bid and awards committee ang bawat ahensya ng gobyerno. (BERNARD TAGUINOD)

356

Related posts

Leave a Comment