KINILALA ng pamunuan ng Philippine Army ang naging ambag ng libu-libong manggagawa para isulong ang bansa tungo sa kaunlaran at katatagan ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine Army chief Ltgen Gilbert Gapay, “Ang Hukbong Katihan ay kaisa ng ating mga manggagawa sa pagpapanatili ng katatagan ng ating bansa sa panahong ito.”
Kinilala ni Gapay ang hindi matatawarang kontribusyon ng labor sectors sa ekonomiya na kahalintulad sa pagtupad sa tungkuling pangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan.
“As we commemorate Labor Day, we also celebrate 107 years of resilience and productivity of the Filipino workers. Their efforts fuel our country’s advance towards progress and stability,” Ani Gen Gapay.
Ang hamong kinakaharap ng mga manggagawa sa kanilang pagsisikap na maihatid sa kani-kanilang propesyon ay matingkad na nakikita ngayong nakikipaglaban ang bansa sa coronavirus o COVID-19.
“As such, let us recognize the sacrifice of our modern-day workers in the frontlines. Their untiring commitment in helping our countrymen, especially the sick and those vulnerable to the infectious disease, are acts of selflessness, deserving of our recognition,” pahayag pa ni Army Spokesman Col. Ramon Zagala. JESSE KABEL
