BATANGAS – Patay ang isang rider nang matumba ang kanyang motorsiklo sa highway sa Brgy. Sambat, sa bayan ng San Pascual sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.
Kinilala ng San Pascual Police ang biktimang si Jovein De Villa, 37, isang pipefitter, at residente ng Brgy. Sambat, sa naturang bayan.
Ayon sa report, nakainom ang biktima nang mangyari ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi. Nawalan umano ito ng kontrol sa manibela kaya bumaliktad ang motorsiklo.
Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
(NILOU DEL CARMEN)
