LASSITER MAGLALARO NANG NAKA-MASKARA

NANGAKO si Marcio Lassiter na maglalaro siya sa 45th PBA opening game ng San Miguel Beer kontra Magnolia sa Marso 8.

Ayon kay Lassiter, nasiko kaya’t nagka-fractured nose sa tuneup game ng SMB kontra Rain or Shine noong nakaraang linggo, handa siyang maglaro sa pagbubukas ng PBA All-Filipino tournament kahit pa naka-protected mask siya.

Target ng Beermen na masungkit ang sixth straight Philippine Cup title ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng sunod-sunod na dagok na dumating sa Beermen kabilang na ang injury ng kanilang superstar at five-time season MVP na si June Mar Fajardo.

Nagkaroon ng complete fracture sa right tibia si Fajardo sa praktis ng team ilang linggo na ang nakararaan.

153

Related posts

Leave a Comment