PINANGUNAHAN ng Philippine Bureau of Customs (BOC) ang World Customs Organization (WCO) Leadership and Management Development (LMD) workshop mula Hunyo 5 hanggang 16, 2023 sa Manila.
Ang okasyon ay pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang nagdala ng key officers mula Bureau of Customs para sa pagpapahusay ng kanilang leadership and management skills.
Ang nasabing WCO LMD workshop ay pinondohan ng Accelerate Trade Facilitation Programme, isang mahalagang inisyatiba na ang layunin ay paggawa ng makabagong kultura ng pamamahala sa Bureau of Customs.
Ito ay upang magbigay ng kasangkapan sa mga kalahok na nangangailangan ng kasanayan at kaalaman upang epektibong makamit ang pananaw ng organisasyon at ihatid ang madiskarteng mga layunin, habang pinaninindigan ang kanilang mahalagang pag-uugali.
Ang Accelerate Trade Facilitation Programme ay isang partnership sa pagitan ng UK Customs His Majesty’s Revenue & Customs, ang WCO at UNCTAD na ang layunin ay suportahan ang partner countries para sa epektibong pag-implementa ng mga probisyon ng World Trade Organization (WTO) Trade Facilitation Agreement (TFA), sa pamamagitan ng paggamit ng WCO international standards at mga kagamitan at pagbabahagi ng pinakamahuhusay na kagawian.
Ang workshop ay isinagawa nina Ms. Aarti Saxena, WCO Expert in LMD, mula sa Central Board of Indirect Taxes and Customs (CBIC) ng India, at Ms. Maria Morrissey, WCO Expert in LMD, Revenue Tax & Customs Ireland. Sa two-week program, ang participants ay lumahok sa ‘variety of interactive workshops, training sessions, and discussions, all centered around the philosophy of knowing oneself, managing oneself, understanding others, and having a positive impact on others.’
Bukod dito, ang sesyon ay nagbigay ng holistic na diskarte para sa ‘leadership development, emphasizing the importance of collaboration, innovation, and continuous improvement.’
Sa opening remarks ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, nagpahayag siya ng pasasalamat sa World Customs Organization sa kanilang patuloy na suporta at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng LMD Programme sa pagpapalaki ny mas mabisa at epektibong Bureau of Customs.
(BOY ANACTA)
