LGUs ‘BIG NO’ SA BALIK PROBINSIYA PROGRAM

PUNA

MARAMING local go-vernment unit chief executives ang malaki ang tumututol sa “Balik Probinsiya Program” ng Gobyerno.

Bakit kamo? Kasi nanganganib daw ang kanilang mga kababayan na mahawaan ng coronavirus disease 2019.

Tama nga naman dahil hindi nga sila nakasisiguro na ang mga benepisyaryo ng programang ito ng pamahalaan ay hindi kinapitan ng salot na virus.

Noong Mayo 20, 2020, nagkaroon ng ‘send off’ ng 112 katao na benepisyaryo ng Balik Probinsiya Program sa may Manila Seedling, Agham Road, Quezon City na sumakay sa limang bus patungongng Leyte kung saan ay sinalubong sila ni Leyte Governor Leopoldo Domingo Petilla.

Sinundo sila ng mga municipal o city government representatives kung saan sila pupunta.

Ngunit bago makauwi sa kani-kanilang lugar na titigilan, isinailalim muna ang mga ito sa swab test kung saan may nagpositibo umano sa mga ito dahilan upang matakot ang LGU mayors.

Sana raw ay pinahupa muna ng gobyerno ang krisis na ito ng COVID-19 bago ipinatupad ang programang ito.

Problema rin daw nila kung saan nila ilalagay ang mga Balik Probinsiya beneficiaries na ito para isailalim muna sa 14-day quarantine dahil wala raw sila kapasidad na i-quarantine ang mga ito lalo na ang malilit o 5th class municipality.

May punto po ang mga opisyal ng lokal na pamahalan na pagdadalhan ng mga makikinabang sa programa ng gobyerno dahil kapos na rin sa sa pondo at kabuhayan ay madagdagan pa sila nang pasanin.

Sana bago daw pinakawalan ang mga benepisyaryong ito ng Balik Probinsiya Program ay siniguro muna ng national government na negatibo na sila sa COVID-19.

At hindi lang yan, wala rin mga testing center sa mga remote town sa mga lalawigan.

Kung may mabalitaan tayo na mga bayan na pinagdalhan ng Balik Probinsya beneficiaries na tumaas ang kaso ng COVID-19 alam natin kung saan sila nakahawaan.

Madaling i-apply ang social distancing sa mga lalawigan dahil kakaunti lang naman ang tao, ang problema ay kulang ang kani-kanilang health facilities na pwedeng pagdalhan ng COVID-19 positive.

Nakita natin sa social media na sina Leyte Mayor Richard Gomez at Arteche, Eastern Samar Mayor Boi Evardone na tumututol sa Balik Probinsiya Program dahil binayo kamakailan ng bagyong

Ambo ang mga nasabing lugar ay hindi pa sila nakakabangon hanggang ngayon sa tinding ginawang pinsala nito sa kanila ay heto na at may panibagong programa.

Minsan pakinggan din natin ang hinaing ng LGUs sapagkat malaki rin ang kanilang suliranin ngayon dulot ng COVID-19 na ito.

Mas makakabuti siguro gawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay ikunsidera rin nila ang kalagayan ng LGUs.

Malaki rin ang problema sa kani-kanilang mga nasasakupan, lalo sa Eastern Visayas na laging binabayo ng bagyo.

Ayon sa mga eksperto ang dumadaan na bagyo sa bansa taun-taon ay nasa 20 na kadalasan ay nagmumula sa Pacific Ocean.

Kaya direktang apektado nito ang mga bayan sa Eastern Visayas na nakaharap sa malawak na karagatan ng Pacific.

Hinahagupit na sila ngayon ni COVID-19, may nakaamba pang 19 na bagyo dahil si Ambo ay una pa lamang sa taong ito.

Kawawang mga Waraynon, ‘hala sige pag-ampon pa kamo’ para kaawaan tayo ng Panginoon na lumipas na ang COVID-19.

-oOo-

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

465

Related posts

Leave a Comment