LIBRENG ANNUAL CHECK-UP SA PINOY ISINUSULONG

IKINASA ni Senador Edgardo “Sonny” Angara ang isang panukalang batas na magbibigay ng libreng annual medical check-up sa lahat ng Filipino, anoman ang social status nito.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na layunin ng panukala na matunghayan o matuklasan kaagad ang anomang potensyal na sakit sa maagang panahon na maaaring magamot kaagad.

Bilang isa sa awtor ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care (UHC) Act, tinukoy ni Angara na maraming Filipino ang kailangan pang humanap ng medical care sa buong buhay nila o sa sinoman na mayroon nang seryoso o kritikal na kondisyon.

Sa halos lahat ng kaso, pangunahing dahilan kaya hindi nakakakuha ng preventive care services ang maraming Filipino ay hindi makabayad sa halaga ng pagpapakonsulta kaya nagsasagawa sila ng self-care o gumagamit ng alternatibong pamamaraan tulad ng tradisyunal na pagpapagaling.

“Undergoing annual medical check-ups are considered as essential especially at this time when we are facing a pandemic that has already resulted in the deaths of over 20,000 individuals and the infection of close to 1.4 million in our country. Early detection of potentially deadly ailments such as heart diseases or diabetes can save lives, ayon kay Angara.

Kaya bilang bahagi ng kanyang adbokasiya sa pagbibigay ng quality health care, inihain ni Angara ang Senate Bill 2297 na magbibigay ng libreng annual medical check-up bilang bahagi ng benepisyong ibinibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng UHC.

Sinabi ni Angara na nakatakda sa batas na isasagawa ang laboratory at diagnostic examination ng accredited health care institution ng PhilHealth, na walang bayad

o libre.

Kapag inaprubahan ng PhilHealth Board, palalawigin ang laboratory at diagnostic exams depende kung may sapat na pondo para sa kasalukuyan at lilitaw na pangangailangan sa kalusugan ng bawat Filipino.

“This is a win-win for both the government and the Filipino people. We help Filipinos in addressing their most immediate health concerns and promote a healthy lifestyle while also easing the growing cost of healthcare in the country,” ayon kay Angara. (ESTONG REYES)

237

Related posts

Leave a Comment