LIBRENG OSPITAL MULA SA E-SABONG

HANGGANG ngayon, hindi pa rin tapos ang isyu sa ­electronic cockfighting o e-sabong.

Ngunit marami ang natuwa dahil hindi pinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  kanilang operasyon.

Sa kabilang banda, naniniwala raw ang Pangulo na nagkabukulan  ang sindikato sa likod ng e-sabong operations.

Ito raw ang dahilan kaya naglahong parang bula ang 34 sabungero.

Pinaghahanap pa rin sila ng mga awtoridad hanggang ngayon.

Nabuko raw ang taktika ng mga sindikato na sa halip na sa kanilang papakawalang manok pupusta ay sa kalaban.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na naniniwala siyang hindi kasalanan ng mga operator kung bakit nawawala ang mga sabungero.

Maaari nga namang kagagawan ito ng mga malalaking ­players na nadehado sa sugal.

Para daw hindi mahalata, dadalhin ang mga sabungero sa ibang lugar.

Doon sila magpapakawala ng manok.

Ang matindi, hindi sila pupusta sa kanilang manok mismo kundi sa kalaban.

Paktay kang bata ka.

Well, nagpapasalamat ang marami dahil nakikita rin ng Pangulo ang pakinabang ng gobyerno sa operasyon ng mga legal e-sabong operators.

Bukod sa buwis, aba’y nakatutulong talaga ang e-sabong ngayong panahon ng ­pandemya.

Nasa P642 ang koleksyon kada buwan ng gobyerno mula sa kinikita sa operasyon ng online sabong.

Makatutulong ito para matustusan ang Universal Health Care (UHC) program ng pamahalaan.

“E-sabong gives the ­government 642 million ang buwan. In one year, it gives the government billions,” wika ni PRRD.

Totoong malaki ang ­pondong nakukuha sa e-sabong.

Kaya saan na lang kukuha ang gobyerno ngayong kina­kapos ito? Tsaka, ang daming local government units (LGUs) na natutulungan ng e-sabong, partikular ng Pitmaster Foundation.

“We don’t have money, we’ve depleted our budget in addressing COVID. That’s 640 million a month. How many can be given medicine for that amount?” sabi ng Presidente.

Kaya saluduhan po natin ang e-sabong operators sa walang sawang pagtulong sa gobyerno.

198

Related posts

Leave a Comment