TARGET NI KA REX CAYANONG
KALIWA’T KANAN ang mga proyekto at programa ni Mayor Max Roxas ng Paniqui, Tarlac.
Lagi namang nakasuporta sa kanya ang kanilang masipag na Vice Mayor Bien Roxas.
Kamakailan, muling nagbigay ng serbisyong medikal na libreng blood chemistry, x-ray, ECG, ultrasound, anti-covid-19 booster at vaccine ang mobile clinic ng alkalde at bise-alkalde sa pangunguna nina Dr. Raymond Tañedo at Dr. Jolab Daguro at ng mga medical staff ng RHU-II at PGH para sa mga residente ng Brgy. Sinigpit.
“Labis ang pasasalamat ni Brgy. Captain Ronald Ordonio sa ibinigay na libreng konsulta para sa kanyang mga kabarangay na naging posible sa pagsulong ng magandang proyektong ito ng ating mahusay na Mayor Max Roxas at sa inisyatibo ng ating masipag na Vice Mayor Bien Roxas,” ayon sa statement sa Facebook page ng alkalde.
“Asahan po ninyo ang higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng bawat mamamayang Paniqueño at ang aming patuloy na paglilingkod nang tapat para sa bayan.”
Ginawaran naman ng parangal mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bayan ng Paniqui bilang TOP 1 LGU sa buong Tarlac Province dahil daw sa “valuable and unwavering support” bilang partner ng ahensya sa pamamagitan ng remittance ng withholding taxes sa gobyerno para sa taxable year 2022.
“Isa na namang pagpapatunay at pagpapakita ng mahusay na liderato at maayos na pamamalakad mula sa ating butihing mayor, katuwang ang ating Sangguniang Bayan (SB) na pinamumunuan ng ating mahal na Vice Mayor Bien,” ayon sa FB post.
Noong Marso 26, 2023, naging matagumpay ang blessing at presentation ng mga bagong kagamitan ng Paniqui Police Station na dinaluhan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. sa nasabing bayan.
Kung hindi ako nagkakamali, kasama sa mga nai-donate na gamit ay isang Toyota Hilux, isang Honda motorcycle, 10 units ng assault rifles na may 70 magazines, 3,600 rounds ng SS109 ammunition at apat na units ng BMW light motorcycle na galing sa San Miguel Corporation.
Sa kanyang mensahe, binanggit ni General Azurin “ang kahalagahan ng pagkakaisa sa isang bayan.”
Siyempre, pinaalalahanan din niya ang mga miyembro ng Paniqui MPS sa kahalagahan ng pag-iingat sa mga gamit na ito.
Labis naman ang pasasalamat ni Paniqui Mayor Max sa pagsuporta ng liderato ng PNP, sa pangunguna ni General Azurin, sa kanilang bayan.
160