LIPA CITY HALL, MAY BOMB THREAT

BATANGAS – Nagulantang ang tanggapan ng Public attorney’s Office ng Lipa City Police dahil sa isang impormasyon na may sasabog na bomba sa kanilang tanggapan nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono ni P/SMS. Edgar Dimaandal, imbestigador ng Lipa CPS, bandang alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkoles mula sa ulat ng isang concerned citizen na mayroong pagbabantang pagsabog ng bomba sa tanggapan ng Public Attorney’s Office sa 2nd floor Hall of Justice, Annex Building at Lipa City Hall Building sa Barangay Marauoy, Lipa City.

Ayon sa isang empleyado na hindi nagpakilala, nakatanggap siya ng mensahe sa mobile phone na may numerong 09652767650 at may mensaheng “Nakuha kopo No Naeto jan pao consern lang po mag si alis napo kayo jan building nayan ngeyon menag utos po sakin tamnam ng bomba luga nayan me isa po block bag jan at isa sa building ng city hall”.

Agad na naghalughog sa lugar ang mga tauhan ng Batangas Provincial Police Office Explosive Ordnance Disposal EOD K9 upang beripikahin ang nasabing ulat ngunit negatibo ito sa pampasabog. (CYRILL QUILO)

343

Related posts

Leave a Comment