LIVE-IN PARTNERS HULI SA P10.2-M SHABU

NASAMSAM sa isang mag-live-in partner na hinihinalang big time drug pushers, ang P10.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Col. Fernando Ortega ang mga arestado na sina Ernesto Francisco alyas “Ikong,” 49, at Genelyn Mararac, 33, kapwa watch listed ng pulisya.

Ayon sa report ni Col. Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Robin Santos sa bahay ng mga suspek sa No. 4039 F. Bautista St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa at nakumpiska ang 1.5 kilo ng umano’y shabu na tinatayang P10,200,000 ang street value. (FRANCIS SORIANO)

180

Related posts

Leave a Comment