Local officials pinadidisiplina ni Defensor sa DILG KONSEHAL NG QC ‘SUPERSPREADER’

(BERNARD TAGUINOD)

PINASISILIP ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang patuloy na paglabag ng Quezon City government sa health protocols sa pagbibigay ng ayuda at patawan ng disciplinary action kung kinakailangan.

Ginawa ni Defensor ang pahayag dahil muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Matandang Balara, Quezon City matapos hindi masunod ang health protocols nang mamahagi ng ayuda ang local government sa nasabing barangay noong Mayo 25.

Base sa mga larawan na kuha sa ayuda distribution sa nasabing barangay, hindi nasunod ang social distancing dahil dikit-dikit ang mga tao at bagama’t may facemask ay karamihan naman walang face shield ang mga tao.

Makikita rin sa isang larawan ang truck na may naka-imprentang pangalan ni QC District 3 Coun. Franz Pumaren na sinasabing siyang sponsor ng pamamahagi ng ayuda.

Sa kabila ng pagkukumpulan ng mga tao ay wala umanong police personnel na itinalaga para mangasiwa sa IATF guidelines at maging ang mga tauhan ng barangay ay hindi napigilan ang pagdagsa ng mga tao.

Maliwanag ang kawalan ng maayos na proseso sa pamamahagi ng ayuda sa kabila na isa ang lungsod sa mga may pinakamaraming kaso ng virus sa NCR.

“Clearly, the recent SAP distribution and the above stated ayuda distribution are clear violations of our health protocols. We are afraid that without sending clear signals to those responsible, we will continue to see the rise in cases of COVID-19 and the policy of lockdowns will be a never ending cycle,” ani Defensor.

Noong Abril 30, 2021 ay inilunsad ni Defensor kasama si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang Ivermectin distribution sa Matandang Balara para mabigyan ng proteksyon ang mga tao sa COVID-19.

Bago ang distribution, may 138 COVID-19 cases sa nasabing lugar noong Abril 29, 2021 subalit bumaba ito sa 104 at noong Mayo 22, umaabot na lamang sa 59 ang kaso hanggang bumaba sa 39 noong Mayo 24.

“The reduction in active cases in Matandang Balara (MB) from April 29 to May 22 is 57.2% compared to just 34.2% in the rest of District 3 excluding MB; and 48% in District 2,” ani Defensor.

Naniniwala aniya si Dr. Rafael Castillo, isa sa apat na doctor na nagreseta ng Ivermectin sa mga taga-Matandang Balara na ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa nasabing lugar ay dahil sa programa nina Defensor.

“We are now saddened, once again, for the seemingly callous attitude undertaken by the Local Government Unit in undertaking “another” reckless event which would surely be a covid superspreader in Barangay Matandang Balara,” ani Defensor.

“Hindi na ba tayo nadala? Paulit-ulit na lang parati ang ganitong klaseng pamimigay mula pa sa “Social Amelioration Program” (SAP) distribution, Tupad, at maging ayuda sa gamot at pagkain. Pwede namang ibahay-bahay yan para hindi nagkakasalu-salo at dikitan sa lugar na siguradong kakalat ang sakit na COVID. Wala pang isang buwan nangyari na ito sa pamimigay ng 1,000 pesos ayuda. Nasa lahat ng media reports ito. Ngayon naulit na naman,” himutok pa ng mambabatas.

Dahil dito, dapat aniyang imbestigahan ito ng DILG at patawan ng parusa ang QC LGU kung kinakailangan tulad ng aksyon ng ahensya sa nangyari sa isang resort sa Caloocan City kung saan nagtipon-tipon ang daan-daang katao at pool party sa Quezon City na naging dahilan ng hawaan ng COVID-19.

177

Related posts

Leave a Comment