LOLA PATAY SA TONDO FIRE

PATAY ang isang 64-anyos na babae sa sunog sa Hermosa Street, Gagalangin, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Pasado alas-11:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Brgy. 182 sa Tondo, Manila na ikinamatay ng isang matandang babae.

Dahil sa masikip na daan, nahirapang makapasok sa lugar ang mga pamatay-sunog para maapula ang apoy.

Umabot sa ika-2 alarma ang sunog na tumagal ng mahigit isang oras.

Bukod sa mga bombero, nagresponde rin sa insidente ang mga tauhan ng Gagalangin Police Community Precinct na sakop ng Station 1 ng Manila Police District, para sa mahigpit na seguridad sa lugar upang mapigilan ang balak ng masasamang elemento. (RENE CRISOSTOMO)

16

Related posts

Leave a Comment