LOLO BINOGA SA ULO

CEBU – Dead on the spot ang isang septuagenarian nang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagpapatuka ng kanyang panabong na manok sa bayan ng Carcar sa lalawigan.

Kinilala ang biktimang si Emmanuel Alcuizar, 65, ng Sityo Laray Baracca, Brgy. Poblacion 3, ng nasabing lungsod.

Inaalam pa ng Carcar City Police Station ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pagpaslang sa matandang biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:30 ng umaga, habang nagpapakain ang biktima ng mga manok nang biglang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo.

Agad nitong nilapitan ang biktima at walang sabi -sabing pinagbabaril ang kanyang target sa ulo na naging sanhi ng daglian nitong pagkamatay.

Target ngayon ng manhunt operation ng Carcar City PNP ang suspek na agad na nakatakas. (JESSE KABEL RUIZ)

248

Related posts

Leave a Comment