LOYALTY NI ES RODRIGUEZ, ‘DI MATATAWARAN

DPA Ni BERNARD TAGUINOD

SA isang organisasyon, mahalaga ang loyalty ng isang ­miyembro kaya pinanunumpa sila na magiging tapat sila sa grupo dahil kapag hindi ay mawawasak ang kanilang samahan.

Kahit sa negosyo, kailangan ang loyalty ng mga empleyado, mapa-opisyal man o staff lang dahil kung merong isa man lang dyan ang hindi loyal, hindi tatakbo nang maayos ang kumpanya lalo na kung may kalaban na pinapaboran ng hindi loyal na kasamahan.

Kaya mahalaga ang ­loyalty, bagay na meron si Executive Secretary Vic Rodriguez kay ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Simula 2016, hindi iniwan ni Atty. Vic si PBBM kahit siya ay natalo sa vice presidential race. Kung iba lang siguro ‘yun, baka iniwan na rin niya si BBM pero hindi niya ginawa.

Kasama siya sa mga ­abogado ni PBBM na nanatili sa tabi ng pangulo na ipaglaban ang boto ng mamamayan at naging spokesman ng pangulo sa nakaraang anim na taon.

Pinatunayan ni ES Vic ang kanyang loyalty kay PBBM. Hindi nang-iwan at siya ang boses ng panawagan ng pagkakaisa ng halal na pangulo na isang epektibong mensahe kaya nakakuha ng mahigit 31 milyong boto si PBBM sa nakaraang eleksyon.

Sa loob ng anim na taon, habang wala sa posisyon si PBBM, kakalug-kalog ang kanilang bus dahil iilan lang ang tao sa loob na loyal sa kanya at kasama na rito si ES Vic.

Pero biglang napuno ang bus nang magsakayan ang iba matapos masiguro ang panalo ni PBBM noong nakaraang eleksyon. Malimit itong nangyayari kapag lumalamang ang isang kandidato. Ang daming sumasakay, tapos sila pa ang gustong magmaneho ng sasakyan.

‘Yung mga bagong pasahero sa bus ni PBBM, may kasiguraduhan ba na loyal sila sa pangulo? Ang loyalty ay ine-earn ika nga nila. Matagal na proseso ang pagdadaanan mo bago mapatunayan na ikaw ay loyal sa amo mo. Hindi overnight na nakukuha.

Eto marahil ang pangunahing dahilan kaya iniluklok ni PBBM si Atty. Vic bilang kanyang ES, dahil nakapa-importante na loyal sa kanya ang kanyang “little president”.

Kaya mahalaga si Atty. Vic kay PBBM dahil napatunayan na niya na loyal sa kanya ang kanyang ES. Kailangan ng pangulo ang isang loyal na taong tutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Kahit sinong maluklok na pangulo, ang pinaka-loyal at pinagkakatiwalang tao ang kanyang inilalagay na ES kaya ‘yung mga nang-iintriga kay Atty. Vic, hindi ko alam kung ano ba talaga ang kanilang motibo.

Nais ba nila na masira agad si PBBM dahil hindi pa nag-iinit sa kanilang upuan ang bagong administrasyon ay iniintriga na ang kanyang ES at ginagawan ng isyu na imposible?

‘Yung mga kumukuwestiyon sa kapasidad ni ES Vic, baka lang hindi nyo alam na sa edad 19-anyos ay naging barangay captain siya sa Morato area sa Quezon City at maayos niyang nagampanan ang kanyang trabaho habang siya ay nag-aaral ng abogasya. May karanasan siya sa pagpapatakbo ng isang gob­yerno. ‘Yung nang-iintriga meron ba?

188

Related posts

Leave a Comment