MACHO CHIQUITO DIREKTA KAY SIR

BINIGYANG linaw ng isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakadestino sa Immigration Regulations Division (IRD) na hindi na nila ­sakop sa kanilang ­kapangyarihan ang tanggapan ni alyas “Macho Chiquito” dahil ito umano ay ­naging ­self-independent na at ayaw nito na under siya ng IRD.

Ayon sa ating source, nirekomenda si Macho ­Chiquito ng kanyang padrino na dating Supreme Court Justice kung kayat nananatili ito sa kanyang puwesto kahit kaliwa’t kanan na ang mga isyu sa kanya ng katiwalian.

Lalong lumakas ang loob umano ni Macho ­Chiquito na hindi ito maaalis sa kanyang kinalalagyan sa kadahilanang direkta itong nagbibigay ng “Tara” kay Sir?

Hmm, sino kaya itong si Sir na kinokunsinte ang katiwalian sa loob ng ahensya?

Kamakailan, ibinisto natin ang ilang kalokohan ni Macho Chiquito at isa na nga rito ay ang pakikipagsabwatan niya sa mga handler ng illegal Chinese workers na sina alyas Charlie at ang malaking grupo ng Huayi upang iproseso ang kanilang mga dokumento kung saan isa na nga rito ay ang hindi pag-encode sa database ng ahensya sa mga Chinese na umuuwi ng kanilang bansa upang hindi mailagay sa blacklist at ­muling makabalik ng bansa.

Hindi kaya naging Badluck, o Goodluck charm, kay Macho Chiquito ang iniregalo sa kanya ng kanyang “ex” na si Mama “L” na isang set ng extra small na underwear?

Speaking of Ex, aba napaka sweet talaga ng mga ­nakaka relasyon ni ­Chiquito noong nakaraang linggo ay namataan sa kanyang ­tanggapan si alyas “CM” na bumisita sa kanyang tanggapan, ngunit sa hindi inaasahan ay hindi ito pinansin at umuwing lonely?

Ganu’n talaga dahil walang forever.

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, maari ninyo akong itext sa 09158888410.

228

Related posts

Leave a Comment