IPRINESENTA ni Bureau of Customs Port of Cebu Acting District Collector Ciriaco Ugay ang ‘certificates of recognition’ noong Hunyo 13 sa piling mga tauhan ng Mactan Subport bilang pagkilala sa kanilang pagtugon at pagmamatyag na nagresulta sa pagkakapigil sa tangkang smuggling sa Mactan Cebu International Airport kamakailan.
Ang BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)-Mactan ay nagsanib-puwersa sa Bureau of Immigration-7, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 at airport personnel para matagumpay na makilala ang indibidwal na nagtangkang mag-smuggle ng 1,534 gramo ng cocaine na tinatayang P2.5 million ang halaga.
Ang mga ahensya ay agad na naabisuhan ng BOC Port of Clark kaugnay sa ‘port of destination’ ng pasahero.
Kaugnay nito, ang mabilis at mahusay na pagkilos ay nagresulta sa agad na pagkakaaresto sa courier at pagkakahuli sa illegal drugs sa Clark International Airport.
“I commend the Subport of Mactan for this accomplishment. Their response to this smuggling attempt is highly laudable. Their steadfast commitment guarantees that smuggled goods do not slip past our jurisdiction. Our officers not only demonstrated their dedication to protect our country from the dangers of illegal drugs, but
exemplified excellence and professionalism in performing their duties,” ani Acting District Collector Ciriaco Ugay.
Ang Port of Cebu sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Collector Ciriaco DG Ugay, at sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay nananatili sa kanilang pangako sa pinaigting na anti-smuggling efforts para matiyak ang proteksyon sa hangganan ng bansa 24/7.
Dahil dito, pinasalamatan ni Ugay ang kanilang partners at stakeholders sa walang humpay nilang tulong na nagiging dahilan ng magagandang resulta ng kanilang operasyon laban sa smuggling ng illegal drugs at iba pang kalakal.
(JO CALIM)
