MAG-AMANG MOST WANTED, 1 PA PATAY SA POLICE OPS

TAWI-TAWI – Dead on the spot ang isang mag-ama at isang babae sa engkwentro sa dagat sa bayan ng Sitangkai sa Tawi-Tawi nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Philippine National Police chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang mga napatay ay sina Girang Lipae at Basil Lipae, kapwa nakalista bilang most wanted person sa pulisya sa Languyan, Tawi-Tawi.

Ayon kay Lt. Gen. Eleazar, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang ikasa ang law enforcement operation ng mga awtoridad sa dagat sa Barangay Sipangkot laban sa mga suspek.

Target ng arrest warrant na bitbit ng mga pulis ang mag-ama dahil sa kasong multiple murder.

Pinaputukan umano ng mag-ama ang mga awtoridad at makaraan ang limang minutong sagupaan ay napatay ang mag-ama gayundin ang isang babae na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

Sinasabing dawit din ang mga napatay sa pagpuslit ng ilegal na droga mula sa Sabah, Malaysia.

May mga ulat din umanong tinakot ng mga suspek ang kanilang mga kapitbahay para makuha ang mga seaweed at mga isdang huli ng mga ito. (JESSE KABEL)

170

Related posts

Leave a Comment