MAGSASAKA, HOG RAISERS PAKINGGAN

HINILING ni Senador Grace Poe sa executive department na dinggin ang hinaing ng magsasaka at livestock raisers bilang suporta sa pamamagitan ng hindi pagpapababa ng taripa sa inaangkat na bigas at karne ng baboy na magbubukas sa pagbaha ng imports at hahagupit sa lokal na produksiyon.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na sinalanta ng African swine fever (ASF) ang halos lahat ng pig farms sa Luzon kaya umurong ang malalaking conglomerates.

“How will local production recover if we flood the market with imports without the necessary assurance that pork and pork products that are sold in the market are free of the disease?” tanong ni Poe.

Binatikos ni Poe ang Department of Agriculture (DA) sa kainutilan nitong sugpuin ang ASF na nakarating sa Visayas.

Nagsagawa ng magkakahiwalay na pagdinig ang Tariff Commission hinggil sa kahilingan na ibaba ang taripa sa inaangkat na baboy at bigas noong Pebrero 4. Walang kinatawan ang DA na magpapaliwanag sana kung bakit kailangan ibaba ang taripa kahit sa bigas. Tanging ang Department of Finance ang nagtangkang magpaliwanag hinggil dito.

Sinabi ni Poe na ipinapakita sa inisyal na pagsusuri ng Tariff Commission, na mababa na ang taripa ng pangkaraniwang presyo ng bigas mula sa India at Pakista sa bansa kumpara sa bigas mula sa Vietnam at Thailand sa kabila ng mataas na taripa sa inaangkat na bigas mula sa non-ASEAN countries. Makikinabang sa pagbabawas ng taripa na 35% ang India, Pakistan at China. (ESTONG REYES)

157

Related posts

Leave a Comment