MAGSASAMANTALANG GAS STATIONS SA MALOLOS BABAWIAN NG BUSINESS PERMIT

BULACAN – Ipinahayag ni Malolos City Mayor Christian Natividad na kakanselahin o sususpendihin ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang business permit ng gasoline stations na mapatutunayang nagsamantala sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Epektibo nitong Marso 10 ay naramdaman na ng mga motorista ang matinding epekto ng kaguluhan sa Middle East dahil sa sigalot sa pagitan ng Iran kontra sa pinagsanib na pwersa ng Amerika at Israel, na nagtulak sa pagmahal ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Una nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na aapela sila sa mga kompanya na huwag biglain at gawing paunti-unti ang pagpapatupad ng price increase ngayong linggo.

Ayon kay Mayor Natividad, continuous ang ginagawa nilang monitoring sa mga gasolinahan kung saan dalawang gasoline stations sa kanilang lungsod ang inireklamo at isasailalim sa imbestigasyon.

Nabatid na nakatanggap sila ng mga complaint mula sa mga motorista na ang nasabing dalawang gasoline stations na hindi muna pinangalanan, ay nag-stop ng kanilang operasyon bago ipatupad ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“We see to it na mapapanagot sila at ma-hold liable sila sa ano mang batas na maaaring na-violate nila dahil sa pananamantalang nagawa nila,” wika ni Natividad.

Kaugnay nito, sinabi ni Natividad na nagtalaga rin siya ng mga police personnel na magbabantay sa mga gasolinahan upang matiyak na walang mananamantala, kung saan nabatid na ang pagtaas ng presyo sa petrolyo ay isasagawa nang unti-unti o araw-araw.

Giit ng alkalde, revocation o suspension ng kanilang business permit ang magiging penalty bukod pa sa violation of special laws kaugnay ng hoarding and manipulation sa presyo ng prices basic goods and necessities gaya ng sitwasyon sa langis ngayon.

Nabatid sa alkalde na ang Lungsod ng Malolos ang may pinakamaraming gasoline station sa lalawigan ng Bulacan na mahigit sa 100.

Nanawagan din si Natividad sa mga motorista, pribado man o pampubliko, na ipatupad ang carpooling, na isang paraan upang makatipid sa paggamit ng sasakyan ng gasolina.

(ELOISA SILVERIO)

64

Related posts

Leave a Comment