TINIYAK ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pagsusulong ng mga programa para makamit ang mas mahusay na edukasyon at pagpababa ng presyo ng mga bilihin sa bansa, tulad ng bigas at iba pang mga produkto ng agrikultura.
Si Rodriguez na isang negosyante at philanthropist, ang unang Pilipinang nagsusulong na maging cancer-free ang bansa na lumikha ng isang organic vitamins na may kakayahang pigilin ang paglaganap ng sakit na cancer.
Sinabi ni Rodriguez na bahagi ng programa ng ATeacher Partylist ang pagsusulong ng paggamit ng organic fertilizers at pagkakaroon ng mas modernong farming methods. Si Rodriguez, ang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry”, ang may kakayahang pababain ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa kanyang kaalaman na paunlarin at gawing masagana ang pag-aani ng mga produktong agrikultura sa bansa.
Ang ATEACHER partylist nominee na nakapagtapos ng pag-aaral sa University of the Philippines (UP) at masteral course sa isang unibersidad sa Amerika ay may kaalaman na modern technique at technology upang maging masagana ang pag-ani ng bigas at iba pa upang mapababa ang lahat ng bilihin sa bansa.
Inanunsyo ito ni Rodriguez sa idinaos na pamamahagi ng bigas, organic fertilizers, vitamins, food packs at livelihood programs gaya ng hair cutting and dressing, at farming technique sa Aritao Elementary School isan Aritao, Nueva Vizcaya.
“Bahagi ng aming prayoridad na programa ay ang pagbuo ng trabaho at kabuhayan, paggamit ng mga organikong pataba, pagpapabuti ng mga diskarte sa pagsasaka o pag-modernize ng mga pamamaraan ng pagsasaka, pagtatayo ng mas maraming paaralan at pagbibigay ng mas maraming benepisyo sa mga guro,” ayon kay Rodriguez.
Katuwang ng ATeachers sa nasabing aktibidad si Aritao Mayor Remelina M. Peros-Galam. Si Rodriguez na kilala ring advocate sa paglaban sa cancer ang kauna-unahang Pinay na nakalikha ng organic vitamins na “VeggieMax”.
Siniguro rin ni Rodriguez na upang mas mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay isusulong ng ATeacher ang pagtatayo ng mas maraming silid-aralan, pagkakaroon ng dagdag na college courses, mas maraming guro at educational equipment upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga mag-aaral. Kasama rin aniya sa kanilang isusulong ang pagkakaroon ng dagdag na imprastraktura at kalsada patungo sa mga paaralan.
“Ang aking pangako ay mamuhunan sa sektor ng edukasyon ng bansa at ang mga kabataang nag-aaral nito upang gawing pare-pareho ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa,”dagdag pa ni Rodriguez.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)