MAIKLING ISOLATION PERIOD NG OFWs ‘DI PA PINAL

TINIYAK ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala pang pinal na desisyon ang Inter-Agency Task Frce (IATF) para sa hirit ni DOLE Secretary Silvestre Bello na paikliin ang araw ng quarantine ng mga OFW sa hotel at isolation facilities.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, pag-uusapan pa sa pagpupulong ng IATF ang idinulog ng Labor Department sa gitna ng isyu sa malapit na ring pagkaubos ng pondo ng OWWA para sa quarantine hotel facilities.

Napaulat kasi na sa halip na isagad hanggang 14 araw ay gawin na lang 10 araw ang quarantine para sa mga hindi naman magpapakita ng sintomas na umuuwing OFW.

Aniya, P1.4 bilyon na lamang ang natitirang budget ng OWWA “as of April 16” para sa accomodation ng mga OFW na obligadong sumailalim sa hotel quarantine.

Magugunitang, makaraang marinig ang health experts, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya handa na payagan ang mas maaga na quarantine at testing protocols para sa mga OFW subalit wala pa aniyang pinal na hakbang ukol dito. (CHRISTIAN DALE)

141

Related posts

Leave a Comment