MALACAÑANG PINASINUNGALINGAN ISYU SA KALUSUGAN NI PBBM

PINABULAANAN ng Malacañang ang kumakalat na espekulasyon sa social media hinggil sa umano’y seryosong karamdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“He is well,” pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nilinaw ni Castro na ang pagpayat ng Pangulo ay dulot ng pag-iingat sa pagkain matapos makaranas ng sakit na dulot ng diverticulitis.

“Noon pa yan… kaya nag-iingat na siya sa pagkain dahil ayaw na niyang maranasan ang pain na yun ulit,” ani Castro.

Dagdag pa niya, wala umanong ibang seryosong kondisyon ang Pangulo at nasa maayos itong kalagayan.

Matatandaang noong Enero ay sumailalim sa dietary restrictions ang Pangulo kung saan puro sabaw ang kanyang pagkain ayon sa payo ng doktor upang mabawasan ang stress sa bituka.

Sa sariling pahayag, inamin ni Pangulong Marcos na ang kanyang pagpayat ay dahil sa pansamantalang liquid diet at tiniyak na siya ay nakarekober na matapos ang ilang araw na pahinga.

(CHRISTIAN DALE)

52

Related posts

Leave a Comment