MALAKANYANG TIWALA NA MAITUTULOY ANG BBB PROJECTS

TIWALA ang economic managers ng pamahalaan na kakayanin ng bansa na maitawid ang mga proyekto sa Build, Build, Build program para paganahin muli ang ekonomiya sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

Ito’y sa harap ng posibilidad na hindi agad maibigay ng official development assistance partners tulad ng China at Japan ang kanilang suportang pinansiyal sa Pilipinas sapagkat matindi rin silang tinamaan ng pandemya.

Ayon kay Finance Usec. Tony Lambino, pinanghahawakan ng pamahalaan ang magandang performance ng bansa sa debt management strategy o programa sa pangungutang.

Ani Sec. Lambino, marami nang development partners ang nag-apruba ng aplikasyon natin sa loans sa mababang interes lamang at may mahabang panahon ng pagbabayad.

Sa katunayan, sinabi ni Lambino na lumabas sa economist magazine, isang tanyag na publication, na number 6 ang Pilipinas sa kabuuang 66 na mga bansa sa mundo ang sa kanilang pagtaya ay may malakas na pananalapi.

Isa aniya ito sa pamantayan ng international financial institutions tulad ng World Bank at Asian Development Bank para alukin ang Pilipinas na pahiramin o pautangin ng resources sa maliit na interes para magtuloy-tuloy lamang ang pag-invest sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Isa rin aniya sa prayoridad ng pamahalaan ay mag-invest sa human resources dahil malaki ang ibabalik nitong kita kapag ang mismong mga manggagawa ay world class.

Dagdag pa ng kalihim, kabilang sa investment sa mga tao ay tiyaking mabibigyan pa rin sila ng tamang edukasyon kahit may kinakaharap na pandemya ang bansa at pangalagaan ang kanilang kalusugan kasabay ng pagpapalakas sa healthcare system. CHRISTIAN DALE

137

Related posts

Leave a Comment