IPINAKITA ng Bureau of Customs-Port of Manila na handa silang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga biktima ng kalamidad.
Sa pangunguna nina Atty. Florante Macarilay, Deputy Collector for Assessment; Atty. Ma. Liza Sebastian, Deputy Collector for Operations at Carmencita Cerdenia, Deputy Collector for Administration ang pagtitipon ng kanilang mga tulong.
Ilan sa mga donasyon ng POM ay mga kumot, damit, kulambo, diapers, hygiene kits, de lata, noodles, gamot, tubig at iba pa na itinurn over nila sa Non-Government Office na magdadala sa Mindanao kung saan maraming pamilya ang napinsala ng kalamidad. (Boy Anacta)
