IKINAKASA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga reklamong malversation of public funds at indirect bribery laban sa mga opisyal na idinawit ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa Senado.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, lahat ng binanggit ni Bernardo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay inirekomenda na ng NBI na kasuhan.
Kasunod ito ng panunumpa ni Bernardo sa DOJ ng kanyang salaysay kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
“Yes, after evaluating everything and the supplemental affidavit… the NBI already recommended,” ani Remulla.
Kabilang sa mga personalidad na pinangalanan ni Bernardo ay sina Sen. Chiz Escudero, Sen. Nancy Binay, dating Sen. Bong Revilla, at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
(JULIET PACOT)
