MANGGAGAWA HINDI PRAYORIDAD SA 2021 BUDGET

WALANG ligayang matitikman ang mga manggagawa sa P4.506 trilyong badyet ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng Nagkaisa Labor Coalition, ito ay malungkot na balita para sa mga manggagawa.

Ani Matula, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang nakakuha ng pinakababang badyet sa lahat ng mga departamento.

Binigyan ng P15.58 bilyong badyet ang DOLE para sa susunod na taon, ang P11.14 bilyon mula rito ay nakalaan bilang pondo para sa programang kabuhayan at “emergency employment” ng mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Naniniwala si Matula, maliit ang nasabing badyet dahil mayroong “krisis sa trabaho” ang bansa sa kasalukuyan.

Pinatunayan lamang ng administrasyong Duterte na “low priority” [nito] ang mga manggagawa na nahaharap sa pinakamalaking krisis ng pagkawala ng trabaho mula noong Marso dulot ng pandemya sa COVID-19 sa bansa, ratsada ni Matula.

Ang krisis sa trabaho na binanggit ni Matula ay batay sa impormasyong inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Nobyembre. (NELSON S. BADILLA)

137

Related posts

Leave a Comment