MANILA DPS NAG-ABISO SA PAGKOLEKTA NG BASURA

NAGLABAS ng abiso ang Manila Department of Public Service (DPS) sa mga barangay sa lungsod hinggil sa sitwasyon ng pagkolekta ng basura.

Ayon sa abiso ng DPS, hanggang June 25, 2025 na lamang ang pagkolekta ng basura ng kinuhang kontraktor na MetroWaste ng outgoing mayor.

Sa mga maapektuhan ng hindi pagkolekta ng basura lalo na ang mga residente, pinayuhan na hintayin muna ang magiging hakbang ng Manila LGU.

Bagamat magsasagawa ng dry run ang dating kinuhang kontraktor ng basura na Leonel, hindi muna mapapasok ang mga inner streets kung saan ang magiging ruta nila ay mga pangunahing lansangan.

Kapag nagpalit na ang administrasyon, magiging fully operation na ang pagkolekta ng basura sa July 1.

Paalala naman ng Manila DPS na bawal ang pagtatapon ng basura hangga’t wala ang truck at ang mahuhuli ay maaaring mapatawan ng P500 sa first offense, P1,000 sa second offense at P1,500 o hanggang 6 na buwan ng pagkakulong sa ikatlong pagkakataon.

(JOCELYN DOMENDEN)

14

Related posts

Leave a Comment