MARCOS: ‘NATURE RESERVE’ SA PANATAG SHOAL ILLEGAL

LABAG sa Soberanya ng Pilipinas ang planong pagtatayo ng nature reserve sa Bajo de Masinloc, tinatawag din na Panatag Shoal o Scarborough Shoal, ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang talumpati sa 13th ASEAN–US Summit, hindi man tuwirang binanggit ng Pangulo ang China, malinaw ang kanyang pahayag laban sa pagtatangkang ito na aniya’y sumasagasa sa karapatan ng mga mangingisdang Pilipino at tahasang lumalabag sa international law.

“The attempt of some actors to establish the so-called ‘nature reserve’ status over Bajo de Masinloc… clearly violates not only Philippine sovereignty, but also the traditional fishing rights of our people guaranteed by international law, including the 1982 UNCLOS and the 2016 Arbitral Award,” pahayag ni Marcos.

Giit ng Pangulo, mananatiling kalma ngunit matatag ang Pilipinas sa gitna ng mga insidente sa West Philippine Sea, at patuloy na isusulong ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at ang Code of Conduct (COC) upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Kasabay nito, ikinadismaya ng Pangulo ang patuloy na mga insidente ng pangha-harass at mapanganib na maniobra ng mga Chinese vessel sa loob ng teritoryong sakop ng bansa.

(CHRISTIAN DALE)

19

Related posts

Leave a Comment