MARCOS UMAYUDA SA TAAL VICTIMS

(NELSON S. BADILLA)

HINDI na siya senador. Hindi rin siya nakapuwesto bilang pangalawang pangulo ng bansa, ngunit hindi tumigil si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglilingkod sa mamamayan, lalo na sa mga kagyat na nangangailangan ng tulong.

Nitong Hulyo 12, nagtungo si Marcos, kilala rin bilang BBM, sa mga bayan sa Batangas upang matulungan ang mga residenteng nababagabag dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa kanyang pagpunta, direktang nakita ni BBM ang kalagayan ng mga residente sa Talisay, Laurel at Agoncillo.

Personal na binigyan ni BBM ng ayuda ang mga residente upang maibsan ang nararamdaman nilang pangamba mula sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Batay sa ulat, nagsimulang naging aktibo ang bulkan noong Hulyo 1.

Ayon sa kampo ni BBM, naipamahagi ang ayuda nitong 3,000 sako ng bigas, 500 kahon ng surgical mask, 3,000 pares ng mga tsinelas, 4,000 kahon ng mga bitamina at 500 bottles ng coconut water sa mga residenteng inilikas sa mga evacuation center.

Naiparating ni Marcos ang kanyang personal na tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng kanyang tanggapan sa pamahalaang lokal ng mga apektadong bayan, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ilang grupo mula sa pribadong sektor at maging ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas.

Ang kinatawan ni Mandanas sa isinagawang pamamahagi ng mga ayuda ay ang pinuno ng PPOSD na si Atty. Genaro Cabral.

Ayon sa kampo ni BBM, hindi natatapos ang tulong ni BBM sa mga residente ng Batangas noong Hulyo 12, kundi magpapatuloy ito.

Kaya, iwinagayway ng kampo ni BBM ang #BatangasMagiting, #HandaIngatMagiting at #HugasIwasMask.

163

Related posts

Leave a Comment