MAS PINALAWAK AT MAS PINAGHUSAY NA SERBISYO NG BAYAD

SA pagkakaroon ng bagong normal ngayong panahon ng pandemyang COVID-19, napakahalaga para sa mga kumpanyang naghahatid ng iba’t ibang uri ng produkto at serbisyo ang umangkop sa mga pagbabagong dulot ng pandemya upang patuloy na makapaghatid ng mahusay na produkto’t serbisyo sa publiko.

Upang makatulong sa pag-iwas sa virus, mainam kung ang mga transaksyon gaya ng pagbabayad ng bills, mga serbisyo, at pamimili ng iba’t ibang produkto ay maaaring gawin online upang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay ang mga konsyumer.

Kaugnay nito, ang isa sa pinakakilala at pinagkakatiwalaang pangalan ang muling nagpakilala sa pamamagitan ng pagpapasinaya sa mas ­moderno at mas pinahusay na serbisyo nito sa mga konsyumer.

Ang Bayad o ang mas ­nakilala natin bilang ‘Bayad Center’ ay mayroong bagong pagkakakilanlan, bagong logo, at bagong tagline.

Ito ay inilunsad ng Bayad bilang tugon sa layunin nitong makipag-ugnayan sa bagong henerasyon ng mga ­nagbabayad ng iba’t ibang produkto at serbisyo. Layunin din nito ang mas mapalawak ang digital footprint, at makatulong sa pagsulong ng pinansyal na sektor ng bansa.

Gamit ang higit dalawampung taong kasaysayan at ­pangunguna sa merkado, suma­ilalim sa pagbabago ang Bayad upang maging mas malaki, mas mahusay, at mas modernong pangalan na naglalayong makapaghatid sa publiko ng pinalawak na serbisyo, solutions portfolio, mga biller, mga channel partner network, at pati na rin ang mga onsite-to-online na plataporma nito.

Sa kasalukuyan, nasa higit 350 na ang kabuuang bilang ng mga biller partner ng Bayad. Mayroon ding higit sa 1,500 na iba’t ibang uri ng bills na pwedeng bayaran, gaya ng ­kuryente, tubig, internet, cable, at telepono. Kasama rin ang mga government fees at contributions, bayad sa mga loan, bayad sa pamimili online, at maging pang-bayad sa mga memorial plan.

Ilan pa sa mga kabilang sa serbisyo ng Bayad ay ang ­Instasure (insurance), Load, Pay-Out (loan disbursement), Remit, ATM (ATM transactions), Med-Assist (medical reimbursement), at Travel. Ang mga nabanggit ay nasa ilalim na ng iisang pangalan kaya’t lalong naging madali, mabilis, at maginhawa ang serbisyo nito sa publiko.

Ayon kay Bayad President and CEO Lawrence Ferrer, “there is a new world order emerging from advances in technology, business, and social spaces. Bayad is keeping abreast of market trends and the needs of its customers.”

Ang konsepto ni Ferrer sa paghahatid ng serbisyo sa mga customer lalo na ngayong panahon ng pandemya ay lubhang mahalaga dahil ang lahat ay hinihikayat na manatili sa loob ng tahanan habang hindi pa nababakunahan upang makatulong sa pag-kontrol ng pagkalat ng virus.

Base sa aking personal na karanasan, napakadaling magbayad gamit ang Bayad App lalo na’t mayroon itong kapasidad na real-time posting ng iyong ibinayad. Hindi ko na kailangang lumabas ng bahay.

Ang Bayad App ay ‘all-in-one pera transaction platform’ na nagbibigay ng maginhawa, madali, at maaasahang paraan nang pangangasiwa sa pera at bayarin habang nakakakuha ng insentibo kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Ang nasabing app ay mayroong e-wallet at e-load na serbisyo. Maaari ring makita ang inyong mga bill at ang mga binayarang bill. Maaari rin ito magsilbi bilang personal na financial manager. Mayroon din itong kapasidad sa pagbabayad sa pamamagitan ng QR code.

Malaking kaginhawaan din ang hatid ng paggamit ng Bayad sa mga customer ng Meralco dahil sa ‘real-time posting’ na kakayahan nito.

Makasisiguro ang bawat customer ng Meralco na magbabayad gamit ang Bayad App at Bayad Online na agad papasok ang kanilang ibinayad para sa bill sa kuryente. Maaari rin itong makita agad sa system ng Meralco.

Ang Bayad Online ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng website na www.online.bayad.com. Ang application naman nito ay maaaring i-download sa Google Playstore para sa mga Android users, at sa Appstore naman para sa mga iOS users.

149

Related posts

Leave a Comment