May pinakamataas ding confi, intel funds HIGIT P1-B GAGASTUSIN SA 2026 TRIPS NI PBBM

MAHIGIT 1 bilyong piso na ang budget ng local at foreign missions at state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa susunod na taon.

Ayon sa 2026 National Expenditure Program, ang local o foreign missions at state visits ay pinaglaanan ng P1,018,304,000. Tumaas ito mula sa P982,649,000 budget ngayong taon.

Kamakailan, nagkaroon ng state visit ang Pangulo sa Republic of India. Bago iyon, nagkaroon din siya ng official visit sa Estados Unidos para makapulong si US President Donald Trump.

Lumahok din siya sa ASEAN Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Mayo.

Ang kabuuang panukalang budget ng OP para sa 2026 ay P27.362 billion, na mas mataas kaysa sa P15.9 billion sa ilalim ng national budget ngayong taon.

Samantala, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM), ang OP ay makakukuha ng pinakamataas na confidential at intelligence funds na pumalo sa P4.5 billion.

(CHRISTIAN DALE)

19

Related posts

Leave a Comment